diff --git a/src/content/pages/tl/index.md b/src/content/pages/tl/index.md
new file mode 100644
index 0000000..209fdba
--- /dev/null
+++ b/src/content/pages/tl/index.md
@@ -0,0 +1,81 @@
+---
+title: "Panatilihing Bukas ang Android"
+lang: tl
+description: "Isinusulong ang Android bilang isang libre at bukas na plataporma kung saan kahit sino ay maaaring lumikha ng mga app."
+
+# localizable sections for the footer text
+contact_header: "Konkakin"
+contact_email: "Email"
+site_problems_header: "Mga Problema"
+site_report_issues: "Mag-ulat ng Mga Isyu sa Site"
+site_disclaimer: "**Disclaimer:** Ang website na ito ay isang komunidad na pinapatakbo at walang layuning commercial. Ito ay ginagamit para sa mga layuning pang-impormasyon at pang-edukasyon lamang."
+site_privacy: "**Pribasiya:** Ang site na ito ay walang cookies at hindi nagta-track o nagla-log ng mga gumagamit."
+site_copyright: "**Copyright:** Wala. Ang proyektong ito ay markado."
+
+lockdown_banner: "Magiging saradong plataporma ang Android"
+open_letter_cta: "Basahin ang aming open letter na tumututol sa programa ng Android Developer Verification"
+open_letter_header: "Open Letter"
+open_letter_description: "Isang open letter para isulong ang Android bilang isang libre at bukas na plataporma."
+---
+
+Noong Agosto 2025, [inanunsyo](https://developer.android.com/developer-verification) ng Google na simula Setyembre 2026,
+hindi na posible mag-develop ng mga Android app para
+nang hindi muna nagrerehistro sa Google.
+Kasama sa rehistrasyon na ito ang:
+
+- Pagbabayad ng bayarin sa Google
+{:.li-list .li-money}
+- Pagsang-ayon sa Terms and Conditions ng Google
+{:.li-list .li-terms}
+- Pagbibigay ng government ID
+{:.li-list .li-id}
+- Pag-upload ng ebidensya ng private signing key ng developer
+{:.li-list .li-signing}
+- Paglilista ng lahat ng kasalukuyan at hinaharap na application identifier
+{:.li-list .li-appids}
+
+## Ano ang ibig sabihin nito para sa iyong mga karapatan
+
+➤ Ikaw, **ang konsyumer**, ay bumili ng Android device na may paniniwalang totoo ang pangako ng Google na ito ay isang bukas na plataporma at maaari kang magpatakbo ng anumang software na gusto mo. Sa halip, simula Setyembre 2026, magpu-push ng update ang Google sa iyong operating system na permanenteng haharang sa karapatang ito at ilalagay ka sa awa ng kanilang desisyon kung aling software ang pwede mong pagkatiwalaan.
+
+➤ Ikaw, **bilang developer o taga-gawa ng application**, ay hindi na makakapag-develop ng app at ibahagi ito nang direkta sa iyong mga kaibigan, pamilya, at komunidad nang hindi muna humihingi ng pahintulot sa Google. Ang pangako ng Android — bilang "marketing strategy" nito upang mas makilala laban sa iPhone — ay mula pa noong una, sila ay "open". Ngunit malinaw sa announcement na ito galing sa Google na hindi sapat ang hawak nila sa ekosistema ng Android, kasama ang hindi sapat na regulatory capture, na maaari na nilang itapon ang prinsipyong ito nang walang pag-aalinlangan at walang pananagutan.
+
+➤ Ikaw, **bilang estado**, ay isinusuko ang karapatan ng mga mamamayan at ang iyong sariling digital na soberanya sa Google, isang kumpanyang may history na sumunod sa mga extrajudicial na kahilingan ng mga ma-awtoridad na rehimen para mag-tanggal ng app, kahit legal, kasi ayaw lang nila. Ang software na kritikal sa pagpapatakbo ng mga negosyo at gobyerno ay nasa awa ng malabo at walang-pananagutang desisyon ng isang malayo at di-maabot na korporasyon.
+
+
+
+### Update: **Hindi** "umurong" ang Google sa developer verification {#clarification}
+
+Sa kabila ng isang malabong [pagbanggit](https://android-developers.googleblog.com/2025/11/android-developer-verification-early.html) ng isang posibleng "advanced flow" na maaaring mag-allow sa "mga may-karanasang gumagamit na tanggapin ang mga panganib ng pag-install ng software na hindi na-verify", ang [deskripsyon ng programa](https://developer.android.com/developer-verification) ng Google ay patuloy na nagsasaad nang malinaw na:
+
+> Simula Setyembre 2026, kinakailangan ng Android na lahat ng app ay nakarerehistro sa mga na-verify na developer upang mai-install sa mga sertipikadong Android device
+
+Hangga't hindi nila naipapakita ang ebidensya na posibleng ma-bypass ang proseso ng verification nang walang labis na kahirapan, dapat nating paniwalaan ang nakasaad sa kanilang official page: na **lahat** ng app mula sa mga hindi nakarehistrong developer ay **haharangin** kapag ang kanilang lock-down ay mapasatupad.
+
+
+
+## Paano ka makakatulong {#help}
+
+### Mga Developer: Tumutol at tumanggi {#developers}
+
+Kung ikaw ay isang app developer, _**huwag mag-sign up**_ para sa early access program, huwag mag-verify ng pagkakakilanlan, o tumanggap ng imbitasyon sa Android Developer Console. Tumutol (nang may galang) sa anumang imbitasyon, at ilista ang iyong mga concern at rason.
+
+—— _Ang tagumpay ng Google ay sa pamamagitan lamang ng pagsang-ayon at pagsuko ng mga developer._ ——
+
+Pigilan ang mga kapwa app developer at organisasyon sa pag-sign up sa programa. Gumamit ng mga forum ng komunidad, social media, at mga blog post upang ikalat ang mensahe. Isama ang [FreeDroidWarn library](https://github.com/woheller69/FreeDroidWarn) sa iyong code upang ipaalam sa mga gumagamit ng iyong app. Kung ikaw ay namamahala ng isang website, isaalang-alang ang [pagdagdag ng countdown banner](/banner) sa itaas ng iyong pahina.
+
+Kung ikaw ay isang empleyado o contractor ng Google na may mabuting konsensiya at may karagdagang kaalaman tungkol sa programa, kabilang ang mga nakaplanong teknikal na detalye ng implementasyon o karagdagang mga dahilan para sa programa, makipag-ugnayan sa [tips@keepandroidopen.org](mailto:tips@keepandroidopen.org) mula sa isang _hindi-pangtrabaong_ laptop, phone, o computer at isang _hindi-gmail_ na account. Ang iyong impormasyon ay pananatilihing kumpidensyal.
+
+### Everyone: Iparinig ang iyong boses {#everyone}
+
+- [Mag-install ng F-Droid](https://f-droid.org) sa iyong Android device(s). Kung mas marami ang gumagamit ng alternatibong pamamaraan ng pag-install ng apps, mas mahihirapan ang Google na tayo'y ipabagsak.
+- Magbigay ng feedback direkta sa Google gamit ang kanilang
+ [Android developer verification requirements survey](https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfN3UQeNspQsZCO2ITkdzMxv81rJDEGGjO-UIDDY28Rz_GEVA/viewform?pli=1).
+- Iparinig ang iyong boses sa social media at mga blog post na may link patungo sa
+- Labanan ang astroturfing: kung may makita kang mga post sa mga community forums at social media na sumasang-ayon sa bagong polisiya, kalabanin ito at ipa-alam sa kanila na mali sila.
+- Tulungan ang proyektong ito sa pamamagitan ng [pag-edit ng page na ito](https://github.com/keepandroidopen/keepandroidopen.github.io/blob/main/src/content/pages/en/index.md) na may mas mabisang mga impormasyon.
+- [Pirmahan ang petisyon na ito galing sa change.org](https://www.change.org/p/stop-google-from-limiting-apk-file-usage/)
+
+### Web Site Owners: Ipakita ang iyong suporta {#webmasters}
+
+[Ilagay ang countdown banner sa iyong website](/banner) gamit ang isang `